Monday, February 7, 2011

It's Like...

Hindi ko alam pero parang... nag sawa na ako sa mundo ng world wide web... lalong lalo na sa mga madalas kong puntahan na websites, bihira ko na nga lng sila puntahan ngayon eh. ewan ko ba parang nakaka-sawa na ung mga nangyayari... may nag aaway sa mga social network websites, walang katapusang pa-like ng mga "page" nila at kung ano ano pa....


Minsan kasi parang gladiator arena ang mga websites tulad ng Facebook.com humaharap minsan ung iba na may maskara, minsan naman sadyang matapang lang ung iba na ipag sigawan ang mga nasa isip nila ng walang maskara.


Pero siguro nga pagod na ako makakita ng mga kaibigan kong nag babatuhan ng putik sa internet kaya ako nag kaka-ganito...


Hay makapag drawing na nga ulit...