Tuesday, September 4, 2012

Nire

Nitong Sunday lang pumunta kami ng isang tropa sa SMX para sa Again and Again Exhibit dahil isa sa mga kaibigan ko na si Erin na isang Multimedia artist ay kasama sa nasabing exhibit, ayon pumunta nga kami natuwa din ako kasi ilang YEARS na din ako hindi naka punta sa mga art exhibit kahit pa digital arts ang mga naka display duon, nakita din namin agad si Erin at binati din namin siya agad. pinakita niya samin ang mga gawa niya at ang masasabi ko lang GALING! lalo na yung "Honeycomb"(not sure about the exact title) artwork niya at nung nakikita ko yung ibang works niya dun sa slideshow sa may side ng gallery napangiti ako, ang tagal na din pala namin kilala si Erin na nag simula sa isang anime forums hangang sa umabot sa isang "pamilya" nagulat nga ako at may mga clips doon nung film niya na shinoot sa internet cafe ng uncle ko na napa-cameo appearance pa ako dun sa film niya lol!

Marahil alam ng lahat ng mga kaibigan ko na hindi ako perpekto lalo na sila Honou at Neil, at oo may mga pinag-awayan din kami ni Erin. Masasabi ko lang na kahit ganun welcome parin siya sakin, maswerte si Erin bilang isang ARTIST at hindi siya dumadaan sa tinatahak ko, alam niyo ba parang kapatid na din kasi turing ko sa kanya, yung tipong madaming beses na akong na iinis sa mga ginagawa niya lalo na nung panahon ng Revamped guild namin na pinag palit niya kami sa isang private server ng RO(sorry Erin, the GM knows everything hahaha) pero paulit-ulit ko itong sinasabi na ang "pamilyang" ito ay hindi lang sa laro, dahil nga parang kapatid ko na din siya kaya kahit anong inis ko hindi ko parin matiis na hindi siya tulungan, ika nga ni sir Francis "Ganun dapat! Kapwa artist ang nag tutulungan". Oo ngayon lang ako nag salita ng ganito tungkol kay Erin dahil nga sa dami ng mga nangyari sakin last year, ganun talaga pag tumatanda na REALIZATIONS HAHAHA!

Pa-Graduate na si Erin by October kaya ngayon pa lang Grats! lalo na sa mga future achievements niya!

Sorry... and Thanks lalo na nung panahon ng RB.