Thursday, July 26, 2012

Mga Kaibigan

Una sa lahat, alam natin na minsan ang pag kakaibigan ay hindi perpekto, pero ganun paman hayaan niyo ipakilala ko ang dalawang kaibigan ko na nakilala ko sa mundo ng internet na masasabi kong naging mabuti silang kaibigan sakin kahit alam ko sa sarili ko na may mga pag kakamali ako sa kanila.

Sila nga pala si Neilyamato at Honou.

Nakilala ko sila sa isang anime forums, si Honou ay isang admin at si Neil naman ay isang prominenteng miyembro ng nasabing forum. sa totoo lang hindi ko ako ganun kalapit sa kanila nung panahon nung nag foforums kami, kahit nung mga EB ng mga forumers ay bihira ko sila makasalamuha, siguro nga sadyang mahiyain ako. Pero nung dumating ang panahon na bumalik ako sa pag lalaro ng pRO doon ko sila nakilala ng lubos, Naging Guildmaster ako ng guild namin at silang dalawa at iba pang mga forumers na kakilala din namin ay napabilang sa guild namin, di kalaunan tumibay ang samahan namin, nakilala nila kung sino ba talaga ako at nakilala ko din kung sino ba ang totoong Neilyamato at Honou. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses nila ako pinagalitan sa mga kamalian ko sa buong panahon ng paglalaro namin ng Ragnarok at dahil doon lalo ko silang rinespeto, "awayin niyo na lahat sa guild namin pero wag lang ang dalawang yan at ako ang makakaharap niyo" oo ganyan ko silang dalawa pinagpapahalagahan, Kasi para sakin hindi lang sa mundo ng internet o Ragnarok nila ako naturuan at natulungan, at alam nilang dalawa yan.

Kaya salamat at nakilala ko kayong dalawa Neilyamato at Honou.

Wednesday, July 25, 2012

Random days

Minsan gusto ko makakilala ng isang babae na mahilig sa art, fashion, animation or architecture on a random day. Tipong pag nag hahanap ako ng mga bagong art books or habang tumitingin ako ng mga home design doon ko siya ma-memeet at mag kwekwentuhan lang kami with a coffee on our table! Maliban kasi kay sir Francis na sobra yung pagka-adik sa art, eh wala na akong makausap personally about art. Iba kasi yung sense ng conversation pag nag uusap ang dalawang tao sa personal, sobrang enlightening lalo na pag pareho kayo ng field. Damn! ang saya siguro nun!