Friday, April 29, 2011

Next Move

Masakit na ang puso ko sa mga nangyayari sakin at eto ang pamilya ko sumasabay pa.... Pinipilit ko ma-distract sa ibang bagay dahil ayaw ko malungkot buong araw,lingo o buwan. Pero nakakainis na kasi minsan.... Nag susumbatan nanaman sila tungkol sa mga nakaraan... Lumipas na ang mga taon malalaki na kami nila kuya, nasa wastong edad na kami para maintindihan ang mga ganung bagay... Nakakayamot kung kelan ko kailangan ang supporta ng pamilya ko saka pa sila nag susumbatan... Kahapon ko lang nakita si Mama na nag self-pity...... Na awa ako... Nakita ko ang sarili ko....


Saan na ako pupunta? Ewan.... mag hahanap ng lugar kung saan pwede...

Lin be safe...

Thursday, April 14, 2011

In right position?

Nahihirapan ako sa mga nangyayari sa guild namin ngayon, kung sa bagay labas naman talaga ako sa mga nangyayari ang kaso lang kasi isa ako sa mga "hurado" dahil ako ang dating guild master, minsan iniisip ko dapat bang isama pa ako sa mga "hurado"? ewan ko eh... Nakakainis lang isip na kahit isa ako sa mga "hurado" eh wala akong maitulong sa mga usaping malalalim tulad ng mga personal issues sa pagitan ng mga members...


Hay....

Monday, March 14, 2011

Deep wounds

March 11, 2011 nag ka lindol sa may Miyagi prefecture ng Japan at na sundan ito ng tsunami...


Bakit ko ito kinukwento? dahil si Haelin na aking gf ay nasa Miyagi prefecture nung nangyari ang lindol...


Mga ilang oras din bago ko siya na-contact sabi niya ok lang daw sila kaso na banga daw ung sinasakyan nila kaya may bali ung kamay niya, pero sa isip-isip ko buti nga at yun lng ang natamo niya....


Kinabukasan ng umaga naka balik na sila sa yokohama dahil dun talaga sila nag ii-stay. kinagabihan ng March 12 sunundo sila ng korean embassy para bumalik ng south korea(1/2 korean 1/4 filipino 1/4 chinese kasi siya at ang papa niya ay nasa south korea)


Madaling araw na ng March 13 siya naka balik ng south korea at dun na din niya nag pa gamot sa bali nung kamay niya...

Pero hindi ang mga galos at bali sa kamay niya ang pinaka masamang nangyari sa kanya kundi ang trauma... kaninang umaga kausap ko siya sa telepono hindi siya maka-tulog dahil nasaksihan niya mismo ung tsunami... gusto ko umiyak nung naririnig kong umiiyak na siya... pero hindi pwede, kailangan ko maging matatag para sa kanya.


"It's not the injuries that made it hard for her, it's the trauma that makes her suffer every night...."

Friday, March 11, 2011

Rainbows


Oo na ako na in love ulit haha!

Wala ako masabi.. Hindi kasi ako sanay hahaha!

Basta kami na....

Monday, February 7, 2011

It's Like...

Hindi ko alam pero parang... nag sawa na ako sa mundo ng world wide web... lalong lalo na sa mga madalas kong puntahan na websites, bihira ko na nga lng sila puntahan ngayon eh. ewan ko ba parang nakaka-sawa na ung mga nangyayari... may nag aaway sa mga social network websites, walang katapusang pa-like ng mga "page" nila at kung ano ano pa....


Minsan kasi parang gladiator arena ang mga websites tulad ng Facebook.com humaharap minsan ung iba na may maskara, minsan naman sadyang matapang lang ung iba na ipag sigawan ang mga nasa isip nila ng walang maskara.


Pero siguro nga pagod na ako makakita ng mga kaibigan kong nag babatuhan ng putik sa internet kaya ako nag kaka-ganito...


Hay makapag drawing na nga ulit...

Monday, January 3, 2011

Now what?

Year 2011 na so ano meron?....


Ano na? hahaha business as usual? dapat lng para may pera, kasi ako ayaw ko na umasa sa mga magulang ko. oo proud ako sa mga bagay na binili ko sa sariling pera ko kahit gaano pa kaliit ung bagay na yun.

Pero hopefully ma-put up ko na ung business ko ngayon 2011 ang tagal na kasing nasa planning stage hahaha!

2011 may love life nga ba? hahaha!

Unknown eh...

Ano gagawin niyo kung malaman mo ito sa taong mahal mo?


"Iniisip ko din kasi kung sasagutin ko siya then makikipag break din ako, it will bring a lot of pain. so i guess wag na lang..."


Chinika yan ng tinuturing niyang ate... pupunta kasi siya sa japan....

So.... ewan....

Tuesday, December 28, 2010

White all over

Anu ba ginawa ko buong december? party dito party doon? hahaha! normal na ata un lalo na sa buwan ng december kung saan kabi-kabila ang party.


Malapit na matapos ang taon in 3days goodbye 2010 na...


May napala ba ako ngayon taon? meron din naman ata... hahaha!


Ano ba aabangan ko next year? more projects? haha! pero cguro nga "more projects" hehe!


Kasama ko na cguro sa iiwan ang mga mali ko ngayong taon sa pag palit ng taon(para mga bagong kasalanan ulit haha! joke)

-dex singing off