Thursday, July 26, 2012

Mga Kaibigan

Una sa lahat, alam natin na minsan ang pag kakaibigan ay hindi perpekto, pero ganun paman hayaan niyo ipakilala ko ang dalawang kaibigan ko na nakilala ko sa mundo ng internet na masasabi kong naging mabuti silang kaibigan sakin kahit alam ko sa sarili ko na may mga pag kakamali ako sa kanila.

Sila nga pala si Neilyamato at Honou.

Nakilala ko sila sa isang anime forums, si Honou ay isang admin at si Neil naman ay isang prominenteng miyembro ng nasabing forum. sa totoo lang hindi ko ako ganun kalapit sa kanila nung panahon nung nag foforums kami, kahit nung mga EB ng mga forumers ay bihira ko sila makasalamuha, siguro nga sadyang mahiyain ako. Pero nung dumating ang panahon na bumalik ako sa pag lalaro ng pRO doon ko sila nakilala ng lubos, Naging Guildmaster ako ng guild namin at silang dalawa at iba pang mga forumers na kakilala din namin ay napabilang sa guild namin, di kalaunan tumibay ang samahan namin, nakilala nila kung sino ba talaga ako at nakilala ko din kung sino ba ang totoong Neilyamato at Honou. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses nila ako pinagalitan sa mga kamalian ko sa buong panahon ng paglalaro namin ng Ragnarok at dahil doon lalo ko silang rinespeto, "awayin niyo na lahat sa guild namin pero wag lang ang dalawang yan at ako ang makakaharap niyo" oo ganyan ko silang dalawa pinagpapahalagahan, Kasi para sakin hindi lang sa mundo ng internet o Ragnarok nila ako naturuan at natulungan, at alam nilang dalawa yan.

Kaya salamat at nakilala ko kayong dalawa Neilyamato at Honou.

Wednesday, July 25, 2012

Random days

Minsan gusto ko makakilala ng isang babae na mahilig sa art, fashion, animation or architecture on a random day. Tipong pag nag hahanap ako ng mga bagong art books or habang tumitingin ako ng mga home design doon ko siya ma-memeet at mag kwekwentuhan lang kami with a coffee on our table! Maliban kasi kay sir Francis na sobra yung pagka-adik sa art, eh wala na akong makausap personally about art. Iba kasi yung sense ng conversation pag nag uusap ang dalawang tao sa personal, sobrang enlightening lalo na pag pareho kayo ng field. Damn! ang saya siguro nun!

Saturday, May 19, 2012

Past-Forward

Malapit na mag June at mag bibirthday nanaman ako LOL Hindi ko nanaman alam kung paano ko icecelebrate ang araw na yun LAGI NAMAN, siguro kasama na lang ulit ang family ko? Pero sa totoo lang gusto ko maiba naman ngayong taon, I want to wash away my previous birthdays with this new one. Ang dami alam LOL.

Tuesday, May 8, 2012

Floating

Kagagaling lang namin sa bakasyon kila auntie berta sa pangasinan at sa wakas! naramdaman ko din ang "bakasyon" dahil nung nandun kami hindi ako humawak ng lapis para mag drawing, oo alam ko kasalanan yun hindi mag practice sa isang araw pero kailangan ko din ng break kht 4days lang hahaha Ayoko man sabihin to pero I'm confused right now.... confused on my thoughts.... but I have to control the things I can control and never expect beyond the things I can't control.... I don't want to get hurt or hurt someone again...

Monday, February 20, 2012

Chasing Days

Nakakatuwa na medyo stressful yung mga nag daan araw, na-aaliw ako dahil sa mga natututunan ko sa klase at naiistress din ako dahil dun kasi ganun pala pag nag trabaho ka na sa mga production LOL

Mabalik tayo ng Feb.14 haha! simple lang naman ang nangyare nung araw na yun dahil busy ako at busy din siya. pero nung makita ko yung mga ngiti niya nung binigay ko yung regalo ko sa kanya, wala akong masabi... natulala na lng ako lalo nung yinakap niya ako hahaha!

Thursday, January 26, 2012

Brush Strokes

Simula nung nag aral ako ulit medyo hindi ako gaano nakakapag drawing ng manga style, ewan ko ba siguro para maiba lang? Madalas ko kasing prinapractice ngayon ay Digital Painting. Siguro kasi nung bata pa ako mas nauna akong humawak ng brush at watercolor kesa sa pag dadrawing ng manga style kaya siguro parang bumabalik sakin yung pagka hilig ko sa painting haha!

Saturday, December 31, 2011

2011

May napala ba ako sa mga ginawa ko ngayong 2011?

Meron din naman ata kahit papaano, pero mukang trial talaga ang year 2011 ko. Well simulan ko na lang muna kung ano ang mga na realize ko ngayong taon.

Na realize ko na mahirap ipaglaban ang isang tao na ayaw ipaglaban siya.

Na realize ko mahirap umibig mag-isa.

Na realize ko ang daming taon ang sinayang ko para mag-aral tungkol sa ART.

Na realize ko kung sino at ano ba talaga ang definition ng tunay na mga kaibigan.

Na realize ko ang dami ko palang gusto gawin sa buhay ko.

Na realize ko lifetime study pala ang ART.

Na realize ko na gustong gusto ko pala talaga ang ART.

Na realize ko kung gaano ako ka-frail.

Na realize ko kung gaano ako ka-tanga.

Ayan tapos na ang realizations of year 2011 hahaha! pero pag iisip ko nga yung mga nangyari sakin ngayong taon minsan gusto ko na lang umiyak buong araw. alam mo yung tipong gabi-gabi ka umiiyak dahil sa problema tps susundan nanaman ng isang problema(oo nangyari sakin ito). sobrang nakaka depress na gusto ko na lang matulog mag hapon pero hindi mo magawa at hindi mo masabi sa mga magulang mo at yan na din ang naging problema ko... hindi ko masabi.... dahil minsan na iinis din ako sa pamilya ko na parang wala ka nang pupuntahan kundi mag mukmok sa sulok. alam mo yun? yun point na gusto mo nang tumalon sa tuktok ng isang building dahi sobrang nakaka-depress at wala kang mapuntahan, mapag labasan ng galit, inis, sama ng loob. Hindi ko nga alam kung paano na lang ako biglang na gising... Na realize...

Ngayong 2011 ko din nalaman kung sino-sino ba ang tunay sa amin mag-kakaibigan at nag papasalam ako sa kanila, tinulungan niyo nanaman ako kahit minsan parang balewala kayo sakin... sorry.

Naranasan ko umibig, naranasan ko masaktan, naranasan ko mag mukmok, naranasan ko bumangon...

Pero pasalamat parin ako dahil natuto ako dun. Lin hangang ngayon mahal parin kita pero alam ko isang araw lilipas na ito, sana maging maayos ang lahat sayo...

Nakakamiss nga ang mga taong dumaan at naging parte ng buhay mo...

Lola pasensya na hindi mo na ako makikita na maging successful pero sana gabayan mo parin ako, Lola I miss you...

Madami din akong na kilalang mga tao ngayong 2011. Mga instructor ko sa First Academy, classmates, new friends, new crush LOL!

Kay sir francis salamat sayo sir kundi dahil sayo hindi ko ma-rerealize kung gaano ko kamahal ang ART. alam ko malayo pa ako sayo pero pipilitin ko habulin ka hahaha!

Kuya keiji salamat sayo lalo na yung times na naliligaw ako ng landas, na para bang bigla mo na lang ako pinulot at binalik sa tamang kalsada. salamat talaga...

Sana mas madami pa akong matutunan next year lalo na sa ART hahaha!

Oh pano na ba? 2012 na bukas? 2012 I'll be good to you so please be good to me too!