Monday, June 27, 2011

Wala eh, ikaw talaga


Wala eh, hindi kita matiis.

Ikaw tlga eh.

:)

Thursday, June 23, 2011

Saan?

Nasaan na ba ako?

Tila unti-unti na akong na wawala sa tamang pupuntahan ko, unti-unti mo na akong inaalis.

Hangang kelan ko aakyatin ang bundok na tila kahit ang mga experto ay hindi kaya akyatin?

Nasaan na ba ako?

Ikaw pa ba yung nakilala ko nuon?

Nasaan ka na ba?

Babalik ka pa ba?

Saan kita hahanapin? Sa isang lugar na tayo lang nakaka-alam ngunit imposibleng puntahan.

Sabagay IKAW ang lumihis ng landas.

Magagalit ba ako? Wala naman mangyayari kung magagalit ako.

Siguro nga kailangan ko na bumaba ng bundok at mag tanim ng magagandang bulaklak, para pag gising ko may babati sakin ng maganda.

Pero kung sabagay mas mabuti nang ako ang masaktan, kaysa ako ang mag kulang.

Mas mabuti na yun...

Lalake ako eh.

Monday, June 20, 2011

Words

"Love"

A one word that means so much!

"I love you too"

A response that means everything

Thursday, June 9, 2011

Happy birthday

Happy birthday sakin! salamat, sinira mo araw ko!

Thursday, May 19, 2011

Woke up

"Your pains ate God's way to rouse you from slumber. Pain is your wake-up call to awaken, to look deeper into yourself , to adjust the course of your life. God tries to be as gentle as possible, and only if you ignore the call does the pain gets stronger"


Ngayong araw na ito gigising na ako... Gigising na ako para ipag-laban kung ano ang gusto namin... Hindi kita isusuko...

"I love you a thousand times"

Monday, May 16, 2011

Two days

Hindi ko alam kung paano ba nangyari yung lumipas na dalawang araw, pakiramdam ko nanaginip lang ako at pag gising ko nandito na ulit ako sa manila...


Pagka-tapos nito sigurado ako mas magiging mas mahirap pa lalo ang lahat pero eto ang pinili namin. Pero kahit mahirap eto na yun... wala nang atrasan.

Thursday, May 12, 2011

It's been years - Ragnarok

Ilang taon na ba ako nag lalaro ng Ragnarok Online? 7 years? 8 years? may napala ba ako? meron naman, na meet ko mga friends ko at naka-experience ng iba't ibang saya,lungkot sa buhay.


Disappointed na ba ako sa Ragnarok? well... sort of...

Disappointed ako dahil unbalance na simula nung lumabas ang mga 3rd jobs.

Disappointed ako dahil wasak na ang economy ng Valhalla server.

Disappointed ako dahil unti-unti nang na pupuno ng mga bot ang Valhalla.

Disappointed ako dahil kibit balikat na lang ang LU sa mga hinaing ng mga loyal players nila.

Disappointed ako..... pag katapos nang mahabang taon... Championship trophy hindi man lang kita mahahawakan....

Alam ko sasabihin ng pangalawang pamilya ko na Seraphim Guild bakit kailangan ko tumigil, pwede naman mag lie-low. Alam ko yan, mahal ko kayo pero hindi naman sa laro natitigil ang pag kakaibigan natin. Patawad pero tatapusin ko na ung pag titiis ko sa ginagawa ng LU sa Ragnarok dahil ayaw ko mag laro kung hindi na ako nasisiyahan.

Ang masasabi ko lang para sa Seraphim ay "Mag enjoy kayo sa gusto niyo, abutin niyo ang mga pangarap niyo hindi lang sa Ragnarok"

Iba talaga ung "una" eh dahil ang Ragnarok Online ay an
g unang Online game ko... Kaya mananatili ito sa puso ko...

At the end of the day laro lang ang Ragnarok Online, Merong ending... Lahat ng bagay na tatapos.

SALAMAT...

Annihilation Guild

Fury Guild

Absolute Supremacy Guild

Revamped-D-Resurrection Guild

Innovator's Guild

Seraphim Guild

At higit sa lahat...

Revamped_Blasphemy Guild
Goodbye Ragnarok Online it's been years!