Friday, August 24, 2012

Blood

Marahil iilan lang ang nakaka alam nito tungkol sa akin or meron nga ba? na ang papa ko ay isang artist din. Hindi ko nga alam kung bakit ko ito sinasabi dito, pero nag tataka din ako bakit walang mga tao na nag kukumpara sakin kay papa. Diba kadalasan yung mga kwentong ganito ang madalas mangyari kinukumpara yung anak sa tatay dahil pareho sila ng propesyon sa buhay.

Siguro ayaw lang ng iba na ma-pressure ako?

Ewan ko ba.. pero na wiwirduhan ako sa parteng yun ng buhay ko, pero ganun pa-man hindi ko naman kinumpara ang sarili ko kay papa, marahil ang unang naging estilo ko kasi nung bata ako ay manga style na dikalaunan ay lumawak sa concept art at realistic. Hindi ko sinasabi na kasing galing ko na si papa, pero sa tingin ko kasi iba din yung gusto kong puntahan pag dating sa sining.