Thursday, May 19, 2011

Woke up

"Your pains ate God's way to rouse you from slumber. Pain is your wake-up call to awaken, to look deeper into yourself , to adjust the course of your life. God tries to be as gentle as possible, and only if you ignore the call does the pain gets stronger"


Ngayong araw na ito gigising na ako... Gigising na ako para ipag-laban kung ano ang gusto namin... Hindi kita isusuko...

"I love you a thousand times"

Monday, May 16, 2011

Two days

Hindi ko alam kung paano ba nangyari yung lumipas na dalawang araw, pakiramdam ko nanaginip lang ako at pag gising ko nandito na ulit ako sa manila...


Pagka-tapos nito sigurado ako mas magiging mas mahirap pa lalo ang lahat pero eto ang pinili namin. Pero kahit mahirap eto na yun... wala nang atrasan.

Thursday, May 12, 2011

It's been years - Ragnarok

Ilang taon na ba ako nag lalaro ng Ragnarok Online? 7 years? 8 years? may napala ba ako? meron naman, na meet ko mga friends ko at naka-experience ng iba't ibang saya,lungkot sa buhay.


Disappointed na ba ako sa Ragnarok? well... sort of...

Disappointed ako dahil unbalance na simula nung lumabas ang mga 3rd jobs.

Disappointed ako dahil wasak na ang economy ng Valhalla server.

Disappointed ako dahil unti-unti nang na pupuno ng mga bot ang Valhalla.

Disappointed ako dahil kibit balikat na lang ang LU sa mga hinaing ng mga loyal players nila.

Disappointed ako..... pag katapos nang mahabang taon... Championship trophy hindi man lang kita mahahawakan....

Alam ko sasabihin ng pangalawang pamilya ko na Seraphim Guild bakit kailangan ko tumigil, pwede naman mag lie-low. Alam ko yan, mahal ko kayo pero hindi naman sa laro natitigil ang pag kakaibigan natin. Patawad pero tatapusin ko na ung pag titiis ko sa ginagawa ng LU sa Ragnarok dahil ayaw ko mag laro kung hindi na ako nasisiyahan.

Ang masasabi ko lang para sa Seraphim ay "Mag enjoy kayo sa gusto niyo, abutin niyo ang mga pangarap niyo hindi lang sa Ragnarok"

Iba talaga ung "una" eh dahil ang Ragnarok Online ay an
g unang Online game ko... Kaya mananatili ito sa puso ko...

At the end of the day laro lang ang Ragnarok Online, Merong ending... Lahat ng bagay na tatapos.

SALAMAT...

Annihilation Guild

Fury Guild

Absolute Supremacy Guild

Revamped-D-Resurrection Guild

Innovator's Guild

Seraphim Guild

At higit sa lahat...

Revamped_Blasphemy Guild
Goodbye Ragnarok Online it's been years!

Monday, May 2, 2011

Empty yet sweet

April 30 nang umalis kami ni Gab papuntang Baguio, mga 5hrs mahigit ang byahe... pag dating naman ng Baguio gabi na buti na lang at mabait si dyosang ate shawie Raiza at pinatuloy niya kami sa bahay nila haha! ang nakakatawa lang kami balot na balot sa panglamig tapos si Raiza naka duster lang haha! natawa talaga ako dun eh!


Kina umagahan dumeretcho na kami sa ospital kung saan na admit si Lin, pero pag dating namin dun wala na pala siya naka uwi na pala sa bahay nila...


Tumawag ako kay Lin tinanong ko kung nasa bahay na nga nila siya at oo nandun na daw siya kaya nag desisyon kami na pumunta sa bahay nila lin pero half way papunta sa kanila nag text ung kapatid niya na wag na kami tumuloy dahil magagalit daw ang dad nila, Nag text ulit ung kapatid ni lin na mag hintay na lang kami sa SM ng mga 2pm at susubukan daw niya ilabas si Lin, so ano pa nga ba magagawa namin ni Gab kundi mag hintay.


Mga 11:30am kami dumating sa SM at nag kanya-kanyang gala muna kami ni Gab... 1:30pm nag text sakin si Gab punta na daw ako sa may sinehan... at ayun nga nandun na si Lin...


Alam ko na isasagot niya pero tinanong ko parin si lin kung kilala niya ako pero hindi daw... madami akong tinanong kung tanda niya ang mga ilang bagay pero wala daw... Since malapit lang ang Burnham park sa SM nag lakad lakad muna kami sa park at iniwan muna kami ni Gab para makapag usap kaming dalawa ni Lin.


Umupo at nag kwentuhan lang kami ni Lin mag hapon... Kwinento ko kung ano siya nuon at bakit siya na ospital... Nag tanong ako kung may na-aalala ba siya na kahit ano ang tanda lang niya ay pangalan ng lalake "Elvin" na gulat ako... Sinabi ko ako yun tinanong niya eh bakit dex name ko sa cp niya at yun mahabang kwento ulit ginawa ko... hinawakan ko ang kamay niya habang nag kwekwento ako... hindi naman siya nag reklamo habang hawak ko kamay niya... ang cute ni Lin kahit galing sa sakit yun nga lang pumayat, na papangiti ako pag sinasabi niya "wag mo nga ako tignan masyado natutunaw ako" siya parin talaga yun nakalimot lang talaga... tinanong niya ako ano ba daw nagustuhan niya sakin nuon at naging bf niya ako ang na sabi ko lang "hindi ko alam loves" napa yuko na lang siya at nag sorry siya kasi hindi talaga niya matandaan...


Mga 5pm kumain kami sa Mcdo pag tapos nun umuwi na siya kasi dadating na yung dad nila, sabi ko ihahatid ko na siya pero wag na daw kasi baka makita pa ako ng tita niya... Bago siya sumakay ng taxi hinalikan niya ako sa cheeks...


Napa tingin na lang ako habang palayo yung taxi...


Nung gabi din nun umuwi na din kami ng Manila....


Hindi ko alam kung kelan babalik ang alaala niya... Pero kahit anong mangyari si Haelin parin siya... yun mahal ko...