Thursday, November 19, 2009

To be a good friend

Hindi ko alam kung bakit pero na huhulog na ang loob ko dun sa isang kaibigan ko na may boyfriend na....

Nag simula ito sa isang text message na nag lalaman ng isang problema niya, ewan ko ba at ang hilig ko kasi mag bigay ng mga payo sa mga kabigan ko kaya ayun dun nag simula ang kwentuhan...

Medyo na padalas ng "konti" ang pag kikita namin samantalang dati eh halos hindi kami mag kita sa personal at natutuwa naman ako na nag kikita kami...

Malapit na mag isang buwan itong nararamdaman ko para sa kanya.... At kailangan na agad ito mawala.... Dahil wala naman patutunguhan itong nararamdaman ko para sa kanya ayoko din naman sabihin itong nararamdaman ko para sa kanya dahil ayoko mag iba ang tingin niya sa akin...

Itatago ko na lang itong nararamdaman ko para sa kanya....

Dahil isa akong mabuting kaibigan ^^

No comments:

Post a Comment