May napala ba ako sa mga ginawa ko ngayong 2011?
Meron din naman ata kahit papaano, pero mukang trial talaga ang year 2011 ko. Well simulan ko na lang muna kung ano ang mga na realize ko ngayong taon.
Na realize ko na mahirap ipaglaban ang isang tao na ayaw ipaglaban siya.
Na realize ko mahirap umibig mag-isa.
Na realize ko ang daming taon ang sinayang ko para mag-aral tungkol sa ART.
Na realize ko kung sino at ano ba talaga ang definition ng tunay na mga kaibigan.
Na realize ko ang dami ko palang gusto gawin sa buhay ko.
Na realize ko lifetime study pala ang ART.
Na realize ko na gustong gusto ko pala talaga ang ART.
Na realize ko kung gaano ako ka-frail.
Na realize ko kung gaano ako ka-tanga.
Ayan tapos na ang realizations of year 2011 hahaha! pero pag iisip ko nga yung mga nangyari sakin ngayong taon minsan gusto ko na lang umiyak buong araw. alam mo yung tipong gabi-gabi ka umiiyak dahil sa problema tps susundan nanaman ng isang problema(oo nangyari sakin ito). sobrang nakaka depress na gusto ko na lang matulog mag hapon pero hindi mo magawa at hindi mo masabi sa mga magulang mo at yan na din ang naging problema ko... hindi ko masabi.... dahil minsan na iinis din ako sa pamilya ko na parang wala ka nang pupuntahan kundi mag mukmok sa sulok. alam mo yun? yun point na gusto mo nang tumalon sa tuktok ng isang building dahi sobrang nakaka-depress at wala kang mapuntahan, mapag labasan ng galit, inis, sama ng loob. Hindi ko nga alam kung paano na lang ako biglang na gising... Na realize...
Ngayong 2011 ko din nalaman kung sino-sino ba ang tunay sa amin mag-kakaibigan at nag papasalam ako sa kanila, tinulungan niyo nanaman ako kahit minsan parang balewala kayo sakin... sorry.
Naranasan ko umibig, naranasan ko masaktan, naranasan ko mag mukmok, naranasan ko bumangon...
Pero pasalamat parin ako dahil natuto ako dun. Lin hangang ngayon mahal parin kita pero alam ko isang araw lilipas na ito, sana maging maayos ang lahat sayo...
Nakakamiss nga ang mga taong dumaan at naging parte ng buhay mo...
Lola pasensya na hindi mo na ako makikita na maging successful pero sana gabayan mo parin ako, Lola I miss you...
Madami din akong na kilalang mga tao ngayong 2011. Mga instructor ko sa First Academy, classmates, new friends, new crush LOL!
Kay sir francis salamat sayo sir kundi dahil sayo hindi ko ma-rerealize kung gaano ko kamahal ang ART. alam ko malayo pa ako sayo pero pipilitin ko habulin ka hahaha!
Kuya keiji salamat sayo lalo na yung times na naliligaw ako ng landas, na para bang bigla mo na lang ako pinulot at binalik sa tamang kalsada. salamat talaga...
Sana mas madami pa akong matutunan next year lalo na sa ART hahaha!
Oh pano na ba? 2012 na bukas? 2012 I'll be good to you so please be good to me too!
Saturday, December 31, 2011
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
first post!
ReplyDeletethanks. likewise
ReplyDelete