Sunday, December 18, 2011

UST Paskuhan 2011

Napadpad ako ng UST kahapon dahil paskuhan, actually kinulit ko lang yung crush ko na papasukin ako ng UST for Paskuhan hahaha!

Anyways dun na tayo sa Paskuhan, Enjoy naman yung paskuhan kahit first time ko ma-experience ito. Iba't ibang banda ang tumugtog, nanjan ang Paraluman,Sandwich,6cyclemind,Rico Blanco at Urbandub. Syempre hiyawan pag tumutugtog ang mga banda at isa na ako sa nakikisigaw lalo na yung part ng kumanta ang Sandwich ng "Sugod"

Pero hindi ko malilimutan yung part na sobrang awkward talaga na nakaupo kami ni crush sa likod ng mga food stall kumakain tapos yung Paraluman bago sila kumanta nag salita yung vocalist nila ng "Etong kantang ito na susunod namin na kakantahin ay para sa mga taong tuwing nakikita nila ang crush nila ay tila nag iiba ang kulay ng paligid nila" sabay tugtog ng kanta nilang "Tabi" grabe na windang ako dahil alam ni crush na crush ko siya at siya lng kasi kasama ko XD TANG INA THIS HAHAHAHA!

Tapos nun nag fireworks display na sa UST, sayang lang hindi ko narecord lahat ng buong fireworks display dahil kinulang yung memory ng camera! hahaha! pag tapos nun nameet ko din yung ka-dorm niya na medyo kakulitan ko sa Facebook hahaha!

Hindi ko din alam pero huling paskuhan na kasi ni crush yun, tinatanong ko nga siya asan mga classmates niya pero hindi daw niya alam. na isip ko din ok lang kaya sa kanya na ako lang kasama niya buong paskuhan o cgro nahiya lang siya iwan ako mag-isa sa loob ng UST... oh well XD

No comments:

Post a Comment